BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, March 31, 2011

Inang Kalikasan

Inang Kalikasan

(Composers: Kieth Jeson Nuez, James Reyes and Eros Guatno)

SINGERS: Kieth Jeson Nuez, Jamie Delima, Vianca Eno, James Reyes,

Marc Lambert Calubiran, John Ephraim Espejo, Eros Guatno

INSTRUMENTS: Melquiades Balabis Jr., Raphael Samson, Ronald Beldia, and

Mr. Roy Estrella

I

Sa panahon ngayon, ay magulo at madilim

Ang kalikasan ay sinisira ng mga sakim

Ilog natin ay naghihingalo

Ang puno’t dulo ay tayo…….. (tayo)……

Chorus

Kilos sambayanan kalikasa’y pag-ingatan

‘wag nating hayaan na ang mundo’y marumihan

Ikaw at ako, ang tanging daan

Ang tanging sandata ni Inang Kalikasan

Rap 1

Ngunit lahat ‘di pa huli

Na masambit ang pagsisisi

Kailangan tayo ng kalikasan

‘di niyo ba maunawaan

Huwag magtapon ng basura

Magtanim habang maaga

‘pag hindi ‘to napigilan

Lahat tayo’y mawawalan

Tayo ang kaawa-awa

At bukas ay tutunganga

Sa ating kagagawan

Tayo’y naaapektuhan

( Gising na bayan ) Tungo sa bagong simula

Huwag nating hintayin na ang problema’y lumala

Dapat ngayon na ang pagkilos

Ng maangking lubos

Ang ating hinahangad, ang ating pinapangarap

Tulad ng sariwang hangin na ating nilalanghap

Ang tamang gawain, ngayon ating ipalaganap

II

Mga ilang taon, ang mga ilog ay itim

Ang kabataan ko’y kukunin ba nila sa ’kin

Ngunit tayo ay nandirito

Magsimula ulit tayo…….. (tayo)……

(Back to Chorus)

Rap 2

Ang ating bayan

Kailan ‘to kakalag sa pagkagapos

Halos lahat tayo alipin ng pagkahikahos

At tapos, lahat tayo ay pawang biktima

Ng ating mga gawang katumbas ay labing-lima

Kaming mga kabataan ay waring nakakulong

Hindi naman kami adik ngunit bakit parang lulong

Sa binubuga ng pabrikang dulot ay pagkalason

Hindi namin makita ang tunay na simbolo

Ang pagmamahal sa kalikasan ba ay ‘sing gulo

Ng isip mo at isip ko

Nang isip nating lahat

Sino ang dapat sisihin di ba’t tayo ring lahat

Tayo rin ang responsible

Sinong iresponsable

Bakit ba itong posible

Ay nagiging impossible

Kailan ka ba kikilos

Upang maisalba

Kailan nga ba magwawakas ang bumabalot na kaba

(Back to Chorus)

Ikaw at ako, ang tanging daan

Ang tanging sandata ni Inang Kalikasan

0 comments: