BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, January 31, 2010

Patawad


Patawad sa mga nagawa Kong pagkakamali

Kung sana lang sana'y dila Koy nakatali

Masasakit na salita na sa akin niyo nakuha

Ay hindi Ko namalayan na puso niyo'y lumuluha

Ano man ang dapat ay aking gagawin,

Demonyo Kong katauhan ay unti-unti Kong babaguhin


Asahan din ang muli Kong paglitaw

Nawa sana'y kabutihan ang saki'y mangibabaw

Sa halip na ako'y maging isang mabuting ehemplo,

Ay nagtayo pa ako ng di makabuluhang Palasyo

Akala Ko'y hindi Ko pagsisihan

Ang lahat ng mga ginawa Kong kasalanan


Sinimulan Ko sa inyo ang nagawa Kong mali

Pero sana'y kapatawaran niyo ang siyang maghari

Ngayon ako'y inu-usig na ng aking budhi

Wala akong magawa kundi tanggapin ang hapdi

Kung alam Ko lang sana kung papaano magbago

Ay hindi Ko hahayaang tayo'y umabot dito


Kayo na nasaktan sa aking mga sinabi

Sa pagsulat ng tulang ito'y , alita'y ipasintabi

Mga anomalyang nagawa Ko nong isang araw

Pagkakamali Ko'y ngayon Ko lang mismong natanaw

Sa mga katulad Kong halang ang pagkatao

Ay hinihingi na sana'y patawarin niyo ako.


Ni: Kieth Jeson B. Nuez


0 comments: