BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, November 23, 2009

Tunay Na Pag-ibig



Sa lahat ay ikaw ang aking hangad
Ikaw lang sa puso ko ang tanging nagpugad
Sa damit mong suot na medyo maykamahalan
Pero hindi ka mapagmataas at puno ng kabutihan

Ikaw man ay napabilang sa pamilyang bughaw
Hindi ka naman nakakalimot sa akin na dumalaw
Kahit na lakarin ko ang lima o sampong kilometro
Ay pipilitin ang sarili , kagaya ng isang misyonero

Oo damit ko ay pinagtagpi-tagping retaso
Pero kahit katiting ay wala kang reklamo
Sa mga oras na ako'y pilyo't pasaway
Ito sa iyo'y parating may bukang-liwayway

Ang panlabas na anyo at ang kabutihang loob
Kahit pigilan ng kasamaan, ito'y hindi matataob
Ang itsura at pustura mo ay lubhang marikit
Ngunit pag sawi sa pag-ibig ay talagang napakasakit
Ni; Kieth Jeson B. Nuez